Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lord kayang kayang tibagin si Alan! Cayetano resign pabebe lang

0 269

TINAWAG ni Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr. na lutong makaw ang nangyaring resignation ni House Speaker Alan Peter Cayetano nakaraang linggo .

Ginawa ni Teves ang pahayag matapos itong patayan ng mikropono sa ginanap na botohan kaugnay sa alok ni Cayetano na magbitiw.

Nang tinangka umano niyang mag-point of order bago isinagawa ang nominal voting sa alok na resignation ni Cayetano ay na-mute siya sa video conference platform na Zoom dahilan upang hindi na siya napansin.

“Those who know parliamentary rules, a point of order is a priority motion na kung ni-raise mo yun, kahit ano pang mangyari, dapat i-recognize ka. E paano ka mare-recognize kung naka-mute ka? .Kaya ang ine-expect ko lahat lutong makaw . Sorry for the term lutong makaw because ang nakakasalita lang ‘yung gusto nilang magsalita,” ayon kay Teves.

Kukuwestiyunin umano sana niya ang quorum pero kalaunan ay sinabihan na lamang siya ni Majority Leader Martin Romualdez na 299 members ang “presumed or deemed” present.

Samantala,kinumpirma ni Oriental Mindoro Rep. Salvador Leachon, kaalyado ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na mayroong 160 kongresista mula sa kabuuang 299 miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang sumusuporta sa Speakership ni Velasco.

Ayon kay Leachon, marami na ang dismayado sa liderato ni Cayetano dahil sa iba’t ibang mga isyu tulad ng hindi patas na pamamahagi ng budget allocation sa mga distrito at gusto na rin ng pagbabago.

“That they want changed. That’s the principal reason why many are starting to jump ship. Not to mention that it’s really the right thing to do to abide by everyone’s [word of honor],” ayon pa kay Leachon.

Sa tantiya ni Leachon 160 o mahigit pang mambabatas ang pumapabor na kay Velasco. (Eralyn Prado)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.