Una sa Balita

Lopez pinarampa ang Blazers sa kampeonato!

By
0 829

Mga laro nga­yon: (Rizal Memorial pitch)
4 p.m. – San Beda vs CSB-LSGH (jrs)
6 p.m. – CSB vs AU (srs)

Sumakay ang College of Saint Benilde sa kabayanihan ni subs­titute Wilmer Paolo Lopez upang paluhurin ang San Beda College 1-0 at ibulsa ang hu­ling ticket sa Finals ng 93rd NCAA seniors football tournament 2019 sa Rizal Memorial Track-Oval pitch sa Malate, Manila Miyerkoles ng gabi.

Umentra si Lopez para kay Peter John Quilo sa 30th minute at saka isinalpak ang pinakamalaking goal sa kanyang buhay sa 85th minute upang isampa ang Blazers sa best-of-three finals kontra Arellano University.
Naunang sumampa ang Chiefs matapos nilang patalsikin ang Lyceum of the Philippines University 3-1, noong Lunes.

Puntirya ng CSB ang unang championship sapul ng sumali sa 10 koponang liga may siyam na season na ang nakaraan at third overall.

“I told them we can win this if we keep it close up to the last mi­nute and I’m happy that we did,” saad ni CSB coach Marlon Maro.

Magsisimula ang Game 1 ngayong ala-sais ng gabi habang naka iskedyul ang Game 2 sa Lunes. Sakaling magkaroon ng deciding Game Three, ilalarga ito sa Miyerkules.