Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lopez angat na sa kalaban

0 195

Kung ngayon na idaraos ang halalan, magwawaging alkalde ng lungsod ng Maynila si Partido Federal ng Pilipinas Mayoralty aspirant Atty. Alex Lopez.

Ito ay base sa social media survey na isinagawa ng Original Mata ng Maynila for Charity Media (OMMCM) Inc. na ginawa nitong nakaraang Enero 26 hanggang Pebrero 2, 2022 kung saan nanguna sa puwesto si Lopez kumpara sa mga kalaban nito sa pagka-alkalde.

Batay sa datos, nakakuha si Lopez ng 58% habang pumangalawa si incumbent Vice Mayor Honey Lacuna na nakakuha ng 33% at pangatlo naman si Amado Bagatsing na nakapagtala ng 10%.

Naging sentro ng katanungan sa survey kung sino ang nagugustuhan maging alkalde ng lungsod. Isinagawa ang survey sa may 1,000 respondents mula sa distrito uno hanggang kuwatro ng lungsod.

Nauna rito, nanguna rin ang abogadong si Lopez na anak ni dating Manila Mayor Mel Lopez, sa survey na ginawa ng isang pahayagang tabloid sa bansa.

Ikinasiya naman ito ni Lopez, na isang ring matagumpay na negosyante ng bansa. Aniya, “Gusto na ng mayorya ng Manilenyo na maibangon sa kahirapan ang lungsod bunsod ng naranasang pandemya at iba pang problemang taglay nito.” Binigyang diin pa Lopez na dapat ng maibalik ang Maynila bilang “Pearl of the Orient” at premier city ng bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.