Una sa Balita

Lookout bulletin kay Mayor Baldo inilabas ng DOJ

0 500

KINALAMPAG ng Philippine National Police (PNP) ang Department of Justice (DOJ) para maglabas ng lookout bulletin laban kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo na itinuturong mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe at sa police escort nito.

Ginawa ng PNP ang apela sa DOJ kasunod ng pagsuko ng dalawa pang suspek sa pagpatay sa mambabatas.
Sinabi ni PNP chief Director Gene­ral Oscar Albayalde na ang pagsuko ng dalawa pang suspek sa Batocabe slay ay matibay na pruweba para tukuyin kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay Rep. Batocabe.

“This latest development is expec­ted to complete the puzzle in uncove­ring the truth behind this double murder and multiple frustrated murder case,” pahayag ni Albayalde.

Si Mayor Baldo kasama ang mga suspek ay kinasuhan na ng kasong murder at frustrated murder ng PNP.

Samantala, hawak na ng PNP ang anim na prime suspek sa Batocabe-Diaz killing na kinilalang sina Rolando Arimado alias RR; Danilo Muella alias Manoy Dan; Christopher Naval alias Tuping; Emmanuel Rosello alias Bo­boy; Henry Yuzon alias Romel at Jaywin Babor alias Gie.

Ang key witness namang si Emmanuel Bonita Judavar ang nagbigay ng mahahalagang impormayon kaugnay sa planong pagpatay kay Batocabe.

Agad namang tinugunan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang hi­ling ng PNP sa layong ma-monitor ang entry at exit ng target lalo na sa mga airport at seaport.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy