Una sa Balita

Lonzo itinayo ang Lakers sa 9 na talo

By
0 3,745

Binura ng Los Angeles Lakers ang siyam na magkakasunod na pagkatalo sa pagtuhog ng 132-113 panalo laban sa Atlanta Hawks.

Tumipa si Brandon Ingram ng 20 points sa pagtimon sa Lakers, na hindi nakahablot ng panalo buhat nung December 20 victory kontra Houston Roc­kets.

Ang tagumpay ang nagpatameme sa ilang alingasngas na puma­libot sa nangapang bagitong tropa, kabilang na ang mga komento ng madaldal na patriarkang si LaVar Ball  ama ni Lakers rookie Lonzo Ball  na nagsabi sa ESPN na yang si coach Luke Walton ay nawalan na ng kumpiyansa sa kanyang players.

“I would disagree with that,” ani Walton sa ensayo nung Linggo ng umaga na nagsabi sa mga reporter na kahit sumalansan na ang kabiguan sa kanyang manlalaro ay maalab pa rin ang kanilang paglalaro.

Ang kaibahan kontra Hawks, ani Walton na matapos ang kinakailangang panalo ay sa depensiba sila nagpokus na naglatag sa transition offense ng Lakers.

“I think it triggered everything for us tonight,” bulalas ni Walton. “Once we got engaged and we were crashing back on the glass and able to get out and run… it was good to see the guys get back to that mode where defense anchors what we do offensively.”

Si Lonzo Ball, na sa kanyang pangalawang laro pa lang matapos hindi makapaglaro ng anim na laban sanhi ng sprain sa balikat, ay nasa poder ng pagkilatis matapos ang maaangas na pahayag ng kanyang tatay.

Bumakas si Ball ng 13 points at humila ng 10 rebounds at hatag ng anim na assists.