Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Longganisa kontaminado ng ASF

0 116

Isinisi ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa online meat selling ang paglaganap ng African swine fever (ASF) sa bansa.

Ayon kay BAI Director Ronnie Domingo, ang bagong outbreak ay naitala matapos na maging relax ang quarantine rules kung saan namayagpag ang online meat sellers.

“They no longer transport the whole pig. Instead, they process it, like longganisa, and do online selling,”ayon kay Domingo.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na ang mga longganisa na gawa sa murang karne ay maaring infected ng ASF.

Hindi ito maibiyahe ng mga sellers dahil sa checkpoint kaya ginagawa na lamang nila itong longganisa.

Nalaman na nakikipag-ugnayan na ang National Meat Inspection Service sa mga local government units (LGUs) para magpatupad ng mga hakbang para matigil ang pagbebenta ng karne online.(Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.