Una sa Balita

London underground station pinasabog

By
0 343

Nabalot ng tensyon ang bansang United Kingdom makaraang isang malakas na pagsabog ang naganap sa London underground station kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse (AFP), nangyari ang terroristic attack sa Parsons Green station sa west London kung saan maraming pasahero ang nagtamo ng malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na ulat, nasa 18-katao ang nagtamo ng ‘facial burns’ sa mukha at sa iba’t ibang bahagi ng katawan na isinugod sa mga pagamutan sa London.

Ito na ang ikalimang insidente ng terror attack sa London sa loob lamang ng anim ng buwan na nagsimula noong buwan ng Marso nang sagasaan ng isang nag-iisang lalaki ang mga pedestrians at saksakin ang isang pulis sa labas ng British parliament.

Sa panig naman ng Department of Foreign Affairs (DFA), inaalam pa kung may Filipino na kabilang sa mga nasaktan o nasugatan sa nasabing pag-atake ng ‘di pa matukoy ng terrorist group.

Tiniyak ng DFA na agad na tutulungan ang sinumang Filipino sakaling makumpirmang kasama ang mga ito sa naturang pag-atake.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More