London inatake ng jihadist

By

Muling nabalot ng trahedya ang United Kingdom makaraang araruhin ng isang van ang ilang katao na lumalabas lamang mula sa isang mosque sa London park.

Ayon sa ulat, isa ang nasawi habang nasa 10 iba pa ang isinugod sa pagamutan ang maraming biktima na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, naaresto naman ang nag-iisang suspek at isinasailalim sa masusing interogasyon.

Base sa ulat ng Metropolitan Police, sinabi ng Muslim Council of Britain na nangyari ang insidente sa labas ng Seven Sisters Road sa Finsbury Park mosque sa London.

Nagpapatuloy ang iba’t ibang emergency services sa naturang lugar sa London upang maasistehan ang mga biktima.

SHARE