Una sa Balita

‘Loma-Rigo’ ubusan ng lakas sa NYC

By
0 31

Taya sa makasaysa­yang bakbakan ng kapwa Olympic gold medalists na sina Vasyl Lomachenko at Guillermo Rigondeaux ang 130-pound WBO junior lightweight title sa Madison Square Garden sa New York ngayon.

Nagtala ang Ukrainian boxer na si Lomachenko, 27, ng 128.4 lbs sa weigh-in noong Huwebes habang ang katapat na si Rigondeaux ay may 129 lbs.

Magugunitang nahab­lot ni Lomachenko ang gold medal sa Olympics noong 2008 sa Beijing at 2012 sa London.

Kasalukuyang may kartada siyang 9 wins, 1 loss, at pitong knockouts, kasali na ang impresibong KO win kay Rocky Martinez ng Puerto Rico sa fifth round noong Hunyo 2016.

Parehong nagpatu­tsadahan ng kahandaan ang dalawa sa 5,200-seat sold-out boxing match.

Samantalang ang Cuban­ boxer na si Rigondeaux na tumalo kay ­Nonito Donaire Jr. noong 2013, ay may 17-0 win-loss card at 11 knockouts.

Nasuntok ni Rigo ang Olympic medals taong 2000 Sydney at 2004 Athens­ Olympics.

Mas pinapaboran si Lomachenko sa banggaan, na walong taon ang agwat sa beteranong si Rigo.

Pero para sa ibang ring analysts ang pagiging­ beterano ang siya pa ring mangungusap para sa Cuban fighter.

Ang salpukang Loma­chenko-Rigo ang sinasabing mamarka ng gold standard para sa International Boxing Hall of Fame sa New York, na pagkatapos ng giyera sa lona ay agad na aalisin ang kanilang gloves para ilagay sa museum.