Una sa Balita

Lolong nagbibisikleta tigok sa bundol ng truck

By
0 1,036

Patay ang isang lolo makaraang itong mabundol ng rumaragasang truck habang nagbibisikleta kamakalawa nang gabi sa kahabaan ng Roxas Boulevard, Pasay City.

Hindi na umabot ng buhay sa San Juan De Dios Hospital ang hindi pa nakikilalang biktima na nasa edad na 60 hanggang 65-anyos, nakasuot ng kulay pu­ting t-shirt at maong pants sanhi ng pagka­kabagok ng ulo at matinding pinsalang tinamo sa katawan.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Pasay City Traffic Bureau, dakong alas-otso nsng gabi nang maganap ang insidente sa Southbound lane ng Roxas Blvd. na paakyat ng flyover nang nasabing lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon, sakay ng bisikleta ang biktima at habang binabaybay niya ang kahabaan ng Roxas Boulevard ay nahagip hanggang sa masagasaan ng truck na minamaneho ni Orlando Agustin Jr., nasa hustong gulang at nakaladkad pa ng ilang metro ang layo na naging sanhi ng kamatayan nito.