Una sa Balita

Lolo Tom, PWD nagkatrabaho kay Isko

0 676

MALAKING kasiyahan ang nararamdaman nga­yon ni Lolo Tom at ng Person with Disability (PWD) na si Benj matapos nilang magkaroon ng trabaho sa ilalim ng memorandum of agreement na nilagdaan ni Manila Mayor Francisco Moreno at mga kinatawan ng mga kilalang fast food chain sa Maynila.

Nag-viral ang video ni Lolo Tom at Benj na nakunan sa sangay ng Chow­King sa Avenida, Rizal. ­Avenue, Sta.Cruz, Maynila.

“Maraming salamat kay Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso dahil sa kanya, nabigyan ako ng pagkakataon na makapagtrabaho muli kahit na senior na ako,”ayon kay Lolo Tom.

Nabatid na ang ­trabaho umano ni Tom ay magpunas, magwalis at maghatid ng pagkain sa customer.

Gayundin naman ang trabaho ng pipi na si Benj bilang crew na nagpasalamat sa alkalde sa ibinigay na pagkakataon sa kanya sa pamamagiyan ng sign language.

Matatandaang lumag­da ng MOA si Moreno sa mga kinatawan ng ­Jollibee Foods Corp. (JFC) para payagan na ­makapagtrabaho ang mga ­senior citizen at PWD sa mga sangay ng Jollibee, Chowking, Mang Inasal at Greenwich sa Maynila.

Sa ilalim ng MOA, nasa 78 senior citizen at 39 PWD, partikular ang mga bingi at pipi ang ­puwedeng magtrabaho sa 39 sangay ng naturang ­fast-food store sa Maynila.

Bawat isa sa 39 branch ay gagawing regular na empleyado at ­maaaring kumita ng hanggang P5,000 kada buwan.

Prayoridad din ang mga aplikante na malapit o walking ­distance lang ang bahay sa branch ng Jollibee, Mang Inasal, Greenwich at Chowking.

Una nang nakiusap si Mayor Isko sa mga ­fast-food chain sa ­lungsod na bigyan ng pagkakataon na magtrabaho ang mga senior citizen at may ­kapansanan habang kaya nila.

Kasabay nito pinakiusapan ng alkalde ang mga nakatatanda at PWD na pagbutihin ang ­kanilang trabaho para ­hindi mapahiya ang ­siyudad ng ­Maynila. (Juliet de ­Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy