Una sa Balita

Lolo todas sa pangunguryente

By
0 1,769

Nasawi ang isang 63-anyos na lolo matapos makuryente sa isang live wire na ginamit niya sa pang­huhuli ng isda, kamakalawa ng ­umaga sa Ilog ng Pasig, sakop ng Sta. Ana, Maynila.

Naisugod pa sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Tiburcio Gamutan, 63, maintenance at stay-in worker ng Petroleum Technology and Research Corp. (PTRC), na matatagpuan sa No. 2613 Old Panaderos St., Sta. Ana, pero binawian rin ito ng buhay.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Police Supt. Olivia Sagaysay, station commander ng Manila Police District-Station 6 (MPD-S6), naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng umaga sa Ilog ng Pasig sa likod ng compound ng PTRC.

Nabatid kay SPO1 Marcel Suriaga, bago ang insidente ay naatasan umano ng kanilang boss ang biktima at kasama­hang si Jovenus Oñate, 53-anyos, na linisin at ayusin ang riprap ng Pasig River, na nasa likod ng compound ng PTRC.

Nang matapos ay nakatuwaan ng biktima na manghuli ng isda, gamit ang isang electric wire.

Maya-maya ay nagulat na lang umano si Oñate nang humihingi ng tulong ang biktima at nang puntahan ay nakitang nakabulagta na ito sa gilid ng ilog at na­ngingisay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy