Una sa Balita

Lolo todas, 4 pa dinakma sa buy-bust

By
0 205

Tigbak ang isang senior citizen na umano’y tulak ng iligal na droga nang manlaban umano sa buy-bust operation habang arestado ang apat pa niyang kasamahan kamakalawa nang gabi sa Valenzuela City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Valenzuela City Medical Center (VCMC) si Boni­facio Socorro, 66-an­yos, naninirahan sa Area 4, Dumpsite, Pinalagad, Brgy. Malinta ng nasabing lungsod.

Base sa talaan ng pulisya, nasa drug watchlist umano ang napatay na suspek na matagal ding tinugaygayan ng mga parak.
Sa pagsusuri ng Northe­n Police District-Crime Labolatory Office (NPD-CLO), nagtamo ito ng dalawang tama ng bala ng kalibre .45 sa katawan.

Nang humupa ng putukan, nadakip ang kanyang mga kasamahan na sina Alma Molina, 56; Leo­noro Siaco, 44, kapwa nakatira sa Area 4, Pina­lagad, Brgy. Malinta; Enrico San Juan, 40, ng F. Alcanor St., Wawan­g Pulo, at Niño Bautista, 38, ng No. 7 Valeria St., Ba­langkas, Valenzuela City.

Ayon sa report, bandang alas-10:30 nang gabi, nagkasa ng buy-bust operation sina P/Chief Insp. Jowilouie Bilaro, head ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kasama ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Area 4, Pina­lagad, Brgy. Malinta, Valenzuela City.

Si P02 Alvin Lirag ng SDEU ang nagsilbing poseur buyer at nagbigay ng P500 kay Alma para sa isang plastic sachet ng shabu.
Sinamahan ni Alma ang pulis upang kunin ang droga kay Bonifacio sa bahay nito kung saan naroroon sina Enrico, Leo­noro at Niño.
Pag-abot ng shabu ng tulak kay Lirag, sumenyas na siya sa kanyang kasamahan na sina SP01 Roberto Santillan para ares­tuhin ang mga suspek.

Dito nakahalata ang senior citizen at binunot ang baril nito saka pinaputukan ang mga parak suba­lit wala siyang tinamaan.
Sa puntong iyon, gumanti ng putok ang mga awtoridad at duguang humandusay ang suspek sa semento.
Pinosasan ng ibang pulis ang mga kasama­han ni Bonifacio.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang isang kalibre .38 ng suspek na may limang bala, tatlong plastic sachet ng shabu.
Nakuhanan din ng tig-isang plastic sachet ng shabu ang apat na dinakip.

Sa headquarters, nadiskubre na may pen­ding case sa Regional Trial Court (RTC) si Alma sa kasong Section 5 at 26 Article 11 of RA 9165 noong 2013.

Nahaharap sa kasong Section 5 at 11 si Alma at walang piyansang ine­rekomenda ang piskalya, habang sina Enrico, Niño at Leonoro ay nahaharap sa kasong Section 11.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy