Una sa Balita

Lolo, tatlong beses naka-jackpot sa lotto

0 591

HINDI naubusan ng suwerte ang isang 65-anyos na lalaki sa Colorado, USA matapos mahagip ang jackpot prize sa lotto sa ikatlong pagkakataon.

Sa kabuuhan, umabot sa isang milyong dolyar (P54 milyon) ang napanalunang jackpot ni Paul G., na tubong Colorado Springs, sa loob ng 18 buwan.

Unang nanalo si Paul ng $250,000 (P13.5 mil­yon) noong Marso 2017. Ang pangalawa at pa­ngatlo niyang jackpot ay nangyari sa pagitan ng dalawang linggo — $500,000 (P27 milyon) noong Agosto 14 at $250,000 noong Agosto 28.

Sabi ni Paul, madalas siyang tumataya ng 2nd Chance Drawing ng Colorado lotter.

“If you’re not playing 2nd Chance, you’re missing out,” sabi nito. “It cuts your odds of winning the top prize by about half.”

Balak ni Paul na magbakasyon sa Rome, Italy at mag-cruise sa Aruba kasama ang kanyang asawang si Terri.

Ibinihagi din niya sa kanyang apat na anak ang kanyang nakuhang jackpot.