Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lolo sinakmal ng buwaya

0 145

SUGATAN ang isang lolo sa Cagayan de Oro City nang mahulog at atakehin ng isang buwaya sa isang resort sa nasabing lugar.

Sa report, nagpapa-picture lang sana ang biktima nang aksidenteng mahulog. Nangyari ito nitong weekend.

Duguan ang kaliwang braso nito nang makaahon matapos atakehin sa crocodile enclosure kung saan siya nahulog at sinakmal ng buwaya.

Sa report, inakala kasi ng biktima na hindi totoo ang mga buwaya at gawa lang sa plastic.

Sinagot naman ng management ang pagpapagamot sa naaksidenteng lolo.

Hindi na nagbigay pa ng pahayag ang management ng nasabing resort. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.