Una sa Balita

Lolo patay sa kapabayaan ng mag-asawang Pinoy sa US

0 316

ARIZONA – Kalaboso ang mag-asawang Pinoy na nag-o-operate ng home care facility sa Chandler matapos na mamatay ang isa sa mga inaalagaan ng mga ito nakaraang taon.

Inilabas ng korte ang warrant of arrest laban sa mag-asawang Lolito at Joseph Somera matapos lumabas sa Autopsy report ng Medical Examiner na Acute Pneumonia sanhi ng heat exposure ang ikinamatay ng biktima.

Agosto noong nakaraang taon ng humingi ng tulong sa 911 si Lolita matapos niyang madiskubre ang wala nang buhay na biktima na si Jon Rager 69-anyos na magtatatlong buwan pa lang sa Happy Homes Assisted Facility na ino-operate ng mag asawang Somera.

Batay sa Imbestigas­yon ng Chandler, Arizo­na Police tatlong araw ng sira ang air-condition ng naturang pasilidad
Lumabas sa temperature testing na 37 degree celsius ang init sa kuwarto ng biktima na posibleng naging dahilan ng heat exposure na umano’y naging sanhi ng pagkamatay nito.

$15,000 cash bond ang ipinataw ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng mag-asawang Somera.

Pinasusurender din ng hukuman ang pasaporte ng mag-asawa.

Napag-alaman din na kuwestiyunable ang immigration status ng mag-asawa na ngayon ay nakakulong sa Arizona.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy