Una sa Balita

LOLO PATAY SA AKSIDENTE SA C5

By
0 5

Nasawi ang isang lolo nang sumalpok sa poste ng Manila Electric Company (MERALCO) ang kanyang minamanehong sasakyan kahapon ng umaga sa may C5 Road, Ta­guig City.

Hindi na umabot ng buhay sa Taguig-Patero­s District Hospital ang biktimang si Rodolfo Albais, 73-anyos, naninirahan sa no. 25 President Garcia St., Zone 6, Brgy. Signal Village nang nasabing lungsod sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa report na isinumite ni Supt. Jenny Tecson hepe ng Public Information Office (PIO) ng Southern Police District (SPD) naganap ang insidente alas-9:40 ng umaga sa kahabaan ng C-5 Road, Southbound Lane, malapit sa tollgate ng South Luzon Expressway (SLEX), Brgy. Western Bicutan, Ta­guig City.

Minamaneho ng biktima ang isang Toyot­a Owner Type Jeep na may plakang DPB-418 at habang binabagtas nito ang naturang lugar ay bigla itong nag-swerving sa Motorcycle Lane.
Ngunit hindi nit­o nakontrol ang preno ng kanyang sasakyan hanggang sa sumalpok sa isang poste ng MERALCO.

Kaagad na isinugod ang biktima ng mga Ta­guig City Rescue Team sa naturang pagamutan su­balit hindi na ito umabot ng buhay sanhi ng matinding tinamong pinsala sa kanyang katawan.