Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lolo nangmanyak ng apo, kalaboso

0 151

Nagtapos na ang kamanyakan ng isang lolo matapos itong mahuli sa panghahalay ng 16-anyos na apong babae sa Rosales, Pangasinan noong Martes.

Itinago ng Rosales Police Station (RPS) ang suspek sa pangalang ‘Frederico’, ng nasabing bayan at ang biktima ang kanyang sariling apo na kinilalang si ‘Angie’.

Sa report ng pulisya nagtungo si Angie at ang kanyang magulang sa pulisya upang ireklamo si Federico sa panghahalay ng biktima.

Sinabi ni Angie sa kanyang sinumpaang salaysay, na ilang beses na siyang hinalay ng suspek at pinakahuli ay noong Martes sa loob ng kanilang bahay habang wala ang mga magulang ng biktima.

SM food to go Banner Ad

Dito, agad dinakip at dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek na umamin sa ginawang pagsasamantala sa apo.

Paliwanag naman ng suspek, hinawakan lang niya ang maseselang bahagi ng katawan ng biktima at labis daw niyang pinagsisisihan ang kaniyang nagawa.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang biktima at kaniyang mga magulang.

Sasampahan naman ng kasong rape ang suspek na nakakulong ngayon sa RPS dentention cell. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.