Una sa Balita

Lolo nalitson ng buhay sa QC; 300 bahay naabo

By
0 2

Isang 66-anyos na lolo ang nalitson ng buhay habang tinatayang nasa 300 kabahayan ang naabo sa nangyaring sunog sa Brgy. Palanan, Quezon City, nitong Biyernes ng umaga.

Halos hindi makilala sa pagkakatusta na makita ang nasawing biktima na si Elpidio Dela Cruz, residente ng Calamba Ext. sa Brgy. Talayan.

Ayon kay Insp. Rosendo Cabillan Jr. ng QC Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy sa bahay  ng isang Maricel Saguban dakong alas -9:00 ng umaga.

Itinaas sa 5th alarm o general alarm ang sunog at dahil karamihan ay gawa sa light materials ang mga kabahayan, mabilis umanong kumalat ang apoy hanggang sa mahagip ang bahay ng biktima at mahigit 300 kabahayan ang natupok.

Sa paunang imbestigasyon ng BFP, lalong lumakas ang apoy dahil sa sunod-sunod na pagsabog ng liquefied petroleum gas (LPG) sa mga nasusunog na bahay.

Alas -12:42 na ng hapon nang ideklarang under control ang sunog.