Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lolo nagpositibo sa COVID sinaksak sarili

0 540

Tinapos ng 63-anyos na lalaking COVID-19 patient ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagsasaksak sa sarili sa San Luis, Batangas.

Ayon sa San Luis Police , isang tama ang saksak sa dibdib ang ikinamatay ng senior citizen na natagpuan ng kanyang anak na nakabulagta sa kanilang likod-bahay noong Sabado ng umaga.

Isinugod pa ito sa Taal Polymedic Hospital subalit ideneklara na itong dead on arrival. Ayon sa anak ng biktima, nagkaroon ng depresyon ang kanyang ama buhat ng tamaan ng COVID-19.

Batay sa tala ng San Luis LGU, July 31 nang makumpirmang COVID-19 positive ang biktima.

Subalit dahil sa asymptomatic, ini-home quarantine na lamang ito ng mga awtoridad.

Batay sa record, may travel history ang pasyente subalit hindi batid kung nagkaroon ito ng close contact o exposure sa inumang COVID-19 positive. (Ronilo Dagos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.