Una sa Balita

Lolo na nag-donate ng P1M sa Kapa inatake sa puso

0 514

NASAWI matapos atakihin sa puso ang 76-anyos na lalaki na nag-invest ng aabot sa isang milyong piso sa Kapa-Community Ministry Internatio-nal Inc. (Kapa) sa b­ayan ng Polomolok, South Co-tabato, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang namatay na si Percival Alojado, residente ng Polomolok, South Cotabato.

Sa salaysay ng anak anak nitong si Ambrose Alojado, aabot diumano sa halos isang milyon ang kabuuang nai-donate ng buong pamil-ya sa Kapa.

Sa halip umano na kunin ang blessing ni Percival inila-lagak ito para sa panibagong account ng kanyang anak at mga apo.

Ayon kay Ambrose, nakarating sa biktima ang ba-lita na ipasasara ang Kapa na lubha nitong ikinabahala hanggang sa atakihin ito sa puso na kanyang ikinasawi.

Dahil dito, nanawagan si Ambrose sa pamahalaan na payagang mag-operate ang Kapa upang makuha umano nila ang kanilang pera.

Samantala, patuloy pa rin ang paghahanap ng pulisya sa founder ng Kapa na si Pastor Joel Apolinario dahil sa ginawa nitong investment scam. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy