Una sa Balita

Lolo na ‘tulak’ inaresto sa Cotabato

By
0 0

Isang 65-anyos na senior citizen ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagbebenta nito ng ipinagbabawal na pinatuyong dahon ng marijuana sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) South Cotabato.

Sa report ng PDEA Regional Office 12 (PDEA-RO12) nakilala ang suspek na si Eduardo Heraod ng  Sitio Canteen, Brgy. Laconon, T’boli, South Cotabato, na nadakip sa ilalim ng pamumuno ni Director Lyndon Aspacio, sa kanilang isinagawang buy-bust operation dakong alas-dos ng hapon.

Narekober sa suspek ang isa pang pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa isang pahayagan na may timbang na mahigit sa 500 gramo at nagkakahalaga ng P1,750.