Una sa Balita

Lolo at lola dinampot sa sinalakay na drug den

By
0 1,544

Arestado ang lima katao kabilang ang mag-asawang lolo at lola matapos salakayin ng awtoridad ang isang drug den sa Barangay Pineda, Pasig City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Reynaldo Biay ang mga naarestong suspek na pawang kasama sa drug watchlist na sina George Divina Gracia Y Punsalan, 55; Caroline Catapang, 42, at Ralph Carlo Deleon, 19, at ang mag-asawang sina Asuncion Cruz de Leon, 69, at Felix De Leon, 72, na pawang residente ng nasabing barangay.

Batay sa ulat ni P/Senior Supt. Orlando Yebra, hepe ng Pasig City Police, dakong alas-3:45 ng hapon nang salakayin ng magkasanib na pu­wersa ng Station Drug Enforcement Unit (DEU) at Station Intelligence Unit, katuwang ang Anti-Drug Abuse Council of Pasig City (ADCOP), ang bahay ng isang Erick de Leon, alyas ‘Tado’ sa De Leon Compound, na matatagpuan sa Purok 3, sa Barangay Pineda, na ginagawa umanong drug den.

Armado ng search warrant na inisyu ni Judge Danilo Cruz, Exe­cutive Judge ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 152 nang salakayin ng mga awtoridad ang lugar kung saan ay inaresto sina Divina Gracia, Catapang at Ralph Carlo, habang nagpa-pot session.

Sa kabilang kuwarto naman ng bahay ay nadakip sina Asuncion at Felix na sinasabing nagsisilbing lookout o tagabantay ng mga nagpa-pot session.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang may 23 pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu, timbangan at drug paraphernalia.

Kasalukuyan nang nakadetine sa Pasig City Police Station ang mga suspek na sasampahan ng kasong pag­labag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.