Una sa Balita

Lolo inararo ng kotse sa pedestrian, 3 pa nadale

By
0 973

PATAY ang isang 60-anyos na lolo, habang sugatan ang tatlong iba pa nang araruhin ang mga ito ng sasakyan habang nakatayo sa pedestrian sa harapan ng isang mall sa Dasmariñas City, Cavite kahapon nang madaling-araw.

Namatay habang ginagamot sa UMC Hospital ang biktimang si Ely Castillo ng Bgry. Sampaloc II, Dasmariñas City.

Nilalapatan din ng lunas sa Asia Medic sina Aaron Paul Pasa, 27, ng Block 11 Lot 13 Brgy. Fatima I Dasmariñas City; Jacqueline Nalus, 34, may-asawa, ng Block 62 Lot 39 Marycris Complex, Pascam 2 Gen Trias; at Mark Henry Panaguiton, 24, binata, ng Block 115 Lot 9 Phase 4 Marycris Complex, Pascam 2 Dasmariñas City dahil sa tinamong mga sugat sa katawan.

Sa report ni PO2 Richard Domingo ng Dasmariñas City Police Station, naganap ang aksidente dakong alas-3:50 ng madaling-araw sa harapan ng Robinsons Pala-Pala sa Brgy. Samplaoc II, Dasmariñas City Cavite kung san nakatayo lamang ang mga biktima.

Minamaneho ng driver na si Lee Hyeongwon ang kanyang kulay metallic silver na Peugeot/Sedan (VT 1591) ang kahabaan ng Aguinaldo Highway, sakop ng Dasmarinas City sa direksiyon ng Silang, Cavite.