Una sa Balita

Lolo huli sa drug bust

0 253

KALABOSO ang 68-an­yos na senior citizen matapos mahuli sa isang anti-illegal drug bust ope­ration sa Bayombong, Nueva Viscaya noong Martes, ayon sa Bayombong Police Station (BPS), Nueva Ecija.

Kinilala ni Bayonbong Police Station comman­der P/Maj. George Maribbay, ang suspek na si Edelito Edelito Bicera, ng Purok 1, Vista Alegre ng nasabing bayan.

Ayon kay Maribbay, nakatanggap umano ito ng intelligence information na magbebenta ang suspek ng shabu sa isa niyang parokyano sa nasabing barangay.

Dito nagsagawa ng anti-illegal drug bust ang mga operating unit ng BPS at pinosasan ang suspek habang inaabot ang shabu sa mga undercover agent. Ayon kay Marribay, nakuha mula sa suspek ang plastic sachet ng hinihinalang shabu, disposable li­ghter at motorsiklong ginagamit sa kanyang transaksiyon.

Dinala sa BPS detention cell at kasong anti-illegal drug ang sinampa sa suspek. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More