Una sa Balita

Lolo bugbog-sarado sa away-lupa

By
0 1,178

Isang matandang lalaki ang nagtamo ng pinsala sa ulo at katawan matapos na walang awang gulpihi­n ng isa niyang kamag-anak dahil sa away sa lupa sa Lungsod ng Navotas kama­kalawa ng hapon.

Sa ulat ng Navotas­ City Police, ganap na alas-kuwarto pasado ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng M. Jose St., Barangay Tangos ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan umano noong nakikipag-usap sa ina ng suspek na si Rolly Antinio, 36-an­yos, walang hanapbuhay, ng nasabi ring lugar, ang biktimang si Bert Aquira, 65, negosyante na resi­dente rin ng nasabing lugar tungkol sa lupa na kanilang pag-aari at nang matapos ang usapan ay umalis na ang biktima.

Lingid sa kaalama­n ni Aguira na inaaba­ngan na pala siya ng suspek at nang makasalubong ay bigl­a na lamang niton­g pinagsasapak at suntok ang matanda.

Sa isinagawang follow-up operation ay naaresto rin ang suspek na ngayon ay nasa kustodya na ng Navotas City Police. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy