Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lolo, 1 pa nalambat sa drug bust

0 159

Dalawa-katao na kinabibilangan ng isang lolo ang dinakip sa buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City kamakalawa.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barort ang nadakip na sina Rogelio Madeja alyas Dida, 61-anyos, ng Brgy. Tugatog, Malabon at Khaleb Guevara, 28, ng Brgy. 4, Caloocan City.

Ayon kay P/SSg. Jerry Basungit, alas-nuwebe ng gabi nang isagawa ang drug bust ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa P. Concepcion St. Brgy. Tugatog matapos makatanggap ng report hinggil sa pagtutulak umano ng ilegal na droga ni Madeja.

Nang kumagat sa patibong at tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa isang pulis na umaktong poseur buyer ay agad silang dinakip.

Nakuha sa pag-iingat ng dalawa ang nasa 2.38 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P16,184.00 at buy-bust money.

Leave A Reply

Your email address will not be published.