Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lolo, 1 pa nakalawit sa drug bust

0 117

KUNG kailan tumanda ay saka pa umano nagtulak ng ilegal na droga ang isang lolo na naaresto kasama ang kanyang kaibigan matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Malabon City noong Linggo.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 si Rogelio Madeja, alyas ‘Dida’, 61-anyos, residente ng P. Concepcion st., Brgy. Tugatog sa nasabing lungsod at Khaleb Guevara, alyas ‘Klay’, taga-Bisig ng Nayon, Brgy. 4 sa Caloocan City.

Sa report ni P/Lt. Alexander Dela Cruz, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), dinampot ang dalawa matapos umanong makaiskor ng P300 halaga ng shabu kay Madeja ang isang pulis na nagkunwaring buyer ng ilegal na droga sa inilatag na buy-bust sa P. Concepcion st., Brgy. Tugatog bandang alas-nuwebe ng gabi.

Agad pinosasan ang mga ito matapos ang abutan ng pera. Nakumpiska sa kanila ang 2.38 gramo ng shabu na may market price na P26,184.

Target ng mga pulis si Madeja dahil kabilang umano ito sa listahan ng mga bagong tulak sa kanilang lugar sa kabila ng kanyang pagiging senior citizen. (Orly Barcala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.