Una sa Balita

‘Lollipop’ na buhok tinawanan ni Trae

0 381

PAANO ilalarawan ang buhok ni Trae Young?

Sabog-sabog, kalat-kalat. Walang direksiyon.

Ganu’n siguro.

Kung may players na alagang-alaga ang buhok, iba si Young. Marami ang skin-head o shaved, sa kanya ay wala lang.

Dahil walang pakialam ang Atlanta Hawks star kung saan pupunta ang kanyang buhok. Kulot-kulot, medyo mahaba. Pero hindi ‘yung makapal na hibla, kaya kapag nabasa ng pawis ay sabog-sabog, kalat-kalat na.

Pero walang pakialam ang sophomore player, kahit pinagdiskitahang gawan ng meme sa social media ang kanyang crowning glory.

May isa, ikinumpara ang kanyang buhok sa lollipop na nahulog sa carpet, gumulong at nadikitan ng maraming buhok.

Pero si Ice Trae, wala pa ring kurap.

Nagawa pa nga niyang sakyan ang meme, nakapagbiro din.

Pinost niya pa sa Instagram ang meme at nilagyan ng caption: “Until tomorrow …” aniya bago nilagyan ng #ICanLaughAtMyselfToo sa dulo.

Bibihirang players na siguro ang ganito, sumasakay kahit ginagawang tampulan ng tukso.

Tawa lang si Young. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More