Una sa Balita

Lolang may kanser wagi ng P50M sa lotto

0 672

NAPANALUNAN ng isang 65-anyos lola na cancer patient ang P50 milyon jackpot prize sa 6/49 Super Lotto na binola nitong Linggo ng gabi Disyembre 1.

Personal na nagtungo sa tanggapan ni Philippine Charity Sweesptakes Office (PCSO) General Manager Royina Marzan Garma kahapon ang nasabing lola na mula sa Cavite at dumaranas ng nasopharyngeal cancer upang kubrahin ang kanyang napanalunan.

Ayon kay Garma, hindi matatawaran ang kasayahang nadarama ng jackpot winner ng personal na mahawakan ang tseke ng kanyang panalo.

Hindi umano kasi akalain ng lola na matapos ang 30-taong pagtaya niya sa lotto ay magwawagi at masosolo pa niya ang napakalaking jackpot prize.

Nakatakda ring magdiwang ng kanyang kaara­wan ang lotto winner sa susunod na linggo, kaya’t itinuturing niyang napakagandang birthday at Christmas gift ang kanyang panalo.

Nabatid na matagal nang dumaranas ng nasopharyngeal cancer ang lola at isa siya sa mga beneficiary ng PCSO, na nakakatanggap ng financial at medical assistance para sa kanyang chemotherapy.

Ayon kay Garma, Disyembre 1 nang tumaya ng lucky pick sa 6/49 Superlotto ang lola, mula sa outlet sa Baclaran, at sinuwerteng napanalunan ang winning lotto combination na 35-38-09-17-10-15.

Plano umano ng lola na gamitin ang napanalunang premyo sa pagtustos sa kanyang pagpapagamot, at pagtulong sa kanyang mga kaanak.
Bukod sa kanya, may 10 mananaya ang nanalo naman ng tig-P70,000 sa nasabing lotto draw, matapos na makuha ang lima sa anim na winning combination. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More