Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lola umuwi pagkatapos ‘iburol’

0 16

Ginulantang ng isang 75-anyos na babae sa India ang kanyang pamilya matapos umuwi sa kanilang tahanan ilang linggo pagkatapos ng sarili niyang burol.
Kinilala ang babae na si Mutyala Girijamma.
Ayon sa ulat ng local media, naospital si Girijamma dahil sa COVID-19 ngunit naiulat itong nawawala at pinaniwalaang namatay na.
Binisita umano siya ng kanyang asawang si Gaddayya ngunit hindi siya nakita sa ospital. Nang tinanong ni Gaddayya ang mga nurse, sinabi nito na baka pumanaw na ang kanyang asawa kaya dinala siya sa morge ng ospital.
Habang hinahanap niya ang katawan ng asawa sa morge ay may nakita siyang katawan ng babae at inakalang ito nga si Mutyala.
Ngunit dahil COVID-19 ang kinamatay ng bangkay na kanilang inuwi, hindi nagpapunta ng bisita ang kanyang pamilya sa mismong burol.
Kaya naman laking gulat ng pamilya ni Mutyala nang umuwi siya sa kanilang tahanan.
Ayon sa lola, hindi siya umalis ng ospital at gumaling mula sa COVID-19 noong Hunyo 2. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.