Una sa Balita

Lola todas sa Benguet landslide

0 177

Patay ang isang 76-anyos na lola habang sugatan naman ang isang bata matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay bunsod ng walang tigil na pag-ulan Linggo nang gabi sa lalawigan ng Benguet.

Kinilala ni Benguet Provincial Police Office Director Police Col. Lyndon Mencio ang nasawing biktima na si Gloria Matias habang sugatan naman ang apo nitong si Rolando Matias Rafael, 10-anyos.

Ayon sa ulat ng pulisya, pasado alas-10:00 nang gabi nang lumambot ang lupa sa Upper Cotcot, Barangay Bangao sa bayan ng Baguias sa lalawigang ito dahil sa patuloy na pag-ulan sa lugar.

Natabunan ang bahay ng mag-lola na kasalukuyang nasa mahim­bing na pagtulog nang magkaroon ng landslide.

Mabilis naman ang isinaga­wang pagtulong ng ilang kapitbahay at nakuha ang batang biktima sa pagkakabaon sa putik subalit sinamangpalad naman ang lola nitong si Gloria.

Samatala, sa hiwalay na ulat ng Benguet Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, isa pang landslide ang naganap sa ba­yan ng Bakod kung saan agad inilikas ang pitong pamilyang apektado nito.

Sarado naman ang ilang kalsada kabilang ang Kennon Road, Gakian at Towadan section ng Acop-Kapa­ngan-Kibungan-Bakun Road.

Patuloy naman ang clearing ope­ration sa Mankayan Cervantes road sa kahabaan ng Halsema highway dahil sa mga nagkalat na bato at putik. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy