Una sa Balita

Lola todas sa 15-anyos na rider sa Catanduanes  

By
0 145

PATAY ang isang 65-anyos na lola makaraang salpukin ng motorsiklo na minamaneho ng 15-anyos na binatilyo kamaka­lawa nang gabi sa Viga, Ca­tanduanes.

Nakuha pa sanang isugod sa Viga District Hospital ang biktimang si Lolita Morales, residente ng Brgy. Del Pilar ng nabatid na bayan su­balit idineklara na itong dead-on-arrival ng mga sumuring doktor dahil sa grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Samantala, dinala sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 15-anyos na suspek, residente ng Brgy. Quezon na siyang drayber ng motorsiklong nakasagasa sa biktima.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas-8:30 nang gabi sa kahabaan ng national road sakop ng Brgy. San Jose ng ba­yang ito.

Patawid sana ng kalsada ang biktima nang biglang sumulpot ang isang Euro single na motorsiklo na walang plaka at mabilis na minamaneho ng suspek.

Dahil sa bilis ng takbo ng motorsiklo ay hindi na nakuha pang maiwasan ng drayber ang papatawid na lola at natumbok na ito dahilan upang tumilapon ang biktima ng ilang metro sa kalsada.