Una sa Balita

Lola tinodas sa harap ng apo

By
0 5

Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang 63-anyos na lola na empleyado ng Land Transportation Office (LTO) matapos na dalawang beses barilin sa kanyang ulo ng hindi nakikila­lang riding-in-tandem criminals na armado ng kalibre .45 na baril sa harap ng kanyang apo sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Base sa report kay Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), nakilala ang biktima na si Lydia Villa y Biares, married, at nakatalaga sa Office of the Transport Cooperative ng Land Transportation Office (LTO), tubong San Jose Norte, Manabo, Abra at naninirahan sa No. 056-IBP Road, Brgy. Commonwealth, ng nasabing lungsod.

Habang inilarawan ang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo na hindi naplakahan, ang isa ay nakasuot ng bonnet, itim na jacket, itim na pantalon, at may taas na 5’6” habang ang kasama ay nasa 5’10”, medium built, nakasuot ng full face na itim na helmet, itim na jacket at itim na pantalon.

Sinabi pa ni Eleazar, base sa imbestigasyon ni PO3 Elario Wanawan ng CIDU, nangyari ang krimen dakong alas-7:30 ng gabi sa tapat ng Cut Salon sa kahabaan ng Katipunan St., corner IBP Road, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Lumilitaw sa imbestigasyon na kasama ng biktima ang kanyang apo na si Divine Grace Villa at habang nakaupo sila at naghihintay sa kanilang binibiling barbecue sticks sa lugar nang dumating ang isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek.