Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lola timbog sa bentahan ng droga

0 53

Sa kulungan bumagsak ang isang lola pati na ang dalawa niyang katropa matapos mahuli sa buy bust operation kahapon.

Paglabag sa Violation of Section 5 and 11 Under Article 11 of R.A. 9165 ang kinakaharap na asunto nina Noray Aringay, 62 at Jaymee Dionisio, 41, kapwa taga- Barangay Tangos ng nasabing lungsod.

Kasama ring kinasuhan si Joselito Santiago, 41, ng Caloocan City.

Sa report ng Station Drug Enforcement Unit ng Navotas Police, ala-1:30 ng madaling araw, nagkasa sila ng buy bust sa Bagong Kalsada Wawa Street, Barangay Tangos South.

Nagkunwaring buyer si Pat Henry Quinagon ng P1K halaga ng shabu kay Nora kasama ang dalawa pa.

Matapos ang transaksyon, dinakip si Aringay at nakuha sa kanya ang 2.5 gramo ng shabu na may standard price na P17,000,00. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.