Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lola sinalpok ng motor, dedbol

0 196

NASAWI ang isang 66-anyos na lola nang banggain ng isang motorsiklo habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Imus City, Cavite, Sabado ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Medical Center Imus Hospital ang senior citizen na si Maria Bartolay Orceo, may-asawa habang kinilala naman ang driver ng motorsiklong Honda na si Armstrong Pinto, 49.

Sa ulat ni PSSgt John Carlo Punzalan, ng Imus City Police Station, naglalakad ang biktima sa gilid ng kalsada sa Buhay na Tubig Road, Imus City alas-9:40 kamakalawa ng gabi nang banggain siya ng minamanehong motorsiklo ni Pinto na patungo sa Pag-asa ng naturang Lungsod.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nakaladkad ang biktima at bumagsak sa bangketa na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Nasugatan din ang driver ng motorisklo. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.