Una sa Balita

Lola sa Quezon sinorpresa, pinaligaya ni Kyline

By
0 2,514

Isang 70 years old na superfan ni Kyline Alcantara ang kanyang pinasaya nang sorpresahin niya ito sa kanyang 70th birthday noong Linggo. Taga-Infanta, Quezon si Lola Flor, pero sa Sta. Maria, Bulacan ginanap ang kanyang bonggang kaarawan.

Ayon kay Lola Flor, bago magsimula ang Kambal, Karibal ay iniipon na niya ang kanyang mga apo sa kanilang sala para sabay-sabay nila itong panoorin dahil nga raw kay Kyline.

Galing na galing siya sa akting nito bilang si Cheska at sobrang tuwa niya nang malaman niya mismo kay Kyline na extended ito hanggang sa June.

Ginawa raw niya talaga ang lahat upang mapapunta ang kanyang idolo dahil ito ang pinaka-wish niya, kaya sobrang happy siya na pinuntahan siya ni Kyline kahit galing pa ito sa isang event at may taping kinabukasan.

Kaya dahil dito, mas lalo raw niyang susubaybayan ang career nila Kyline na sobrang bait daw pala at malayo sa character nito bilang si Cheska.

***

Sarah, James malakas ang chemistry

Ang isa sa talagang tinitilian ng mga tao sa katatapos pa lang na concert ni Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum nitong Sabado ay ang collaboration nilang dalawa ni James Reid.

Nag-trending pa sa social media ang duet na ito ng dalawa kung saan ay pinerform niya ang sikat na kanta ni Bruno Mars na Chunky.

Ipinakita ng dalawa na bagay sila sa kanilang song and dance number dahil walang tigil ang sigawan ng mga.

Of course, advantage ito sa Viva Films lalo na nga’t magkasama ang dalawa sa pelikulang Miss Granny na local adaptation ito ng isang Korean movie.

Kung pagbabasehan ang reaction, aba, hindi na kailangang trabahuhin nang husto ang chemistry ng dalawa para sa kanilang upcoming movie together.

Malaking challenge sa dalawa ang kanilang movie dahil si James ay kagagaling pa lamang sa isang successful movie nila ni Nadine Lustre, ang Never Not To Love You samantalang si Sarah naman ay galing sa isang hindi matagumpay na pelikula with John Lloyd Cruz.

Ang tanong nga nila ay kung sino ang magdadala ng Miss Granny sa box-office success?

Si James ba dahil maganda ang huling record, o si Sarah na siyang title-holder at pinatunayan din naman ng concert niya na suportado pa rin siya ng kanyang mga tagahanga?