Una sa Balita

Lola ni Maymay pinaiyak ni Edward

0 817

Ni Dondon Sermino

Naikuwento ng sweet na sweet na sina Edward Barber at Maymay Entrata sa “TWBA” kung paano napaiyak ng binata ang lola ng kanyang loveteam partner at rumored girlfriend.

“I care a lot about Maymay,” ang sinabi ni Edward sa lola ni Maymay na nagpaiyak rito.

Kuwento naman ni Maymay, may pinarating na payo ang lola niya. Sabi ng nakakatanda, “Wag kayong magmadali.”

Dagdag pa ni Maymay na may basbas na ng kanyang lola ang relasyon nila ni Edward, kung aabot sila roon. “Yung blessing daw nila Papa Jo, ibibigay niya raw ‘yun, kapag aabot kami sa puntong ‘yun,” kuwento ng dalaga.

Natutunan na ni Maymay na sundin ang payo ng kanyang lola dahil minsan niya na itong sinuway para sa pag-ibig.

“Kapag pala hindi mo sinunod yung mga payo ng parents mo, darating sa punto na ikaw talaga maka-realize na ‘sana nakinig na lang ako’,” sabi pa ni Maymay.

Ang ganda ng lesson na nai-share ni Maymay. Minsan talaga kailangan munang masaktan bago matuto. Ngayong alam na niya ang mas mabuti, susundin na kaya niya si lola?

Anyway, mukhang mas lalong sisikat sina Maymay at Edward ngayong 2019. Sa pelikulang Fantastica, ramdam na ramdam ang pagkaki­lig sa kanila ng mga manonood. May kung anong chemistry nga na nakikita sa da­lawa ang mga tao.
Hiling nila na ngayong 2019, bukod sa teleserye na bida ang da­lawa, isang pelikula ang hangad nila na mapanood nila mula sa kanilang mga idolo.