Lola napisak sa 10-wheeler truck sa Bulacan

By

Kamatayan ang sinapit ng isang 70-anyos na lolang nagtitinda ng basahan makaraang aksidenteng masagasaan ng papalikong 10-wheeler truck habang ang biktima ay papatawid ng MacArthur Highway sakop ng Barangay San Juan, Balagtas, Bulacan kamakalawa.

Sa report ni P/Chief Inspector Restituto Granil, Balagtas police chief, nakilala ang biktimang si Lourdes Canalles ng Barangay Batia, Bocaue nang mapuruhan ng gulong ng 10-wheeler truck na minamaneho ni Pablo Lopez na sumurender sa nagrespondeng awtoridad.

Bandang alas-9:15 ng umaga nang maganap ang insidente habang ang matandang biktima ay papatawid sa kalsada sakop ng Barangay San Juan, Balagtas nang hindi mapansin ng driver ng truck na si Lopez na lumiko patungong kanan ang biktima kaya nasagasaan ito naging sanhi ng kaagad nitong kamatayan.

Sumuko naman ang driver at inaming hindi nito nakita ang papatawid na biktima habang nahaharap ito ngayong sa kasong reckless imprudence resul­ting to homicide at nakapiit ngayon sa Balagtas Municipal Jail. 

SHARE