Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lola nagulungan ng 2 trak

0 225

Kritikal ang isang 61-anyos na babae nang masagasaan ng isang tractor head truck at ng isang dump truck habang tumatawid sa kalsada sa Tanza, Cavite, Miyerkoles ng gabi.

Isinugod sa ospital ang biktimang si Rosalinda Delos Santos, dalaga, ng Brgy. Bucal, Tanza dahil sa tinamong sugat sa katawan.

Samantala, hawak na ng pulisya ang driver ng isang DongFeng tractor head truck na may plakang 402 na si Amado Fabrigar Rondina, 64, ng Brgy. CAA, Las Piñas City; at driver ng Sino dump truck na may plakang U1Q151 na si King Romeo III Antonio Sevillana, 24, ng Brgy. Tartaro, San Miguel, Bulacan.

Sa ulat ni Pat. John Paul Cruz ng Tanza Police Station, tumatawid ang biktima sa kahabaan ng Antero Soriano Highway sakop ng Brgy. Bucal, Tanza dakong alas-8:15 kamakalawa ng gabi nang masagi siya ng minamanehong tractor head truck ni Rondina na binabagtas ang kahabaan ng nasabing highway galing sa Maynila patungo sa direksiyon ng Trece Martires City.

Dahil sa pangyayari, bumagsak ang lola sa gitna ng kalsada at nasagi naman ang kanyang paa ng paparating na dump truck na minamaneho ni Sevillana at patungo naman sa direksiyon ng Maynila. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.