Una sa Balita

Lola nagkansela ng bonggang birthday para mag-donate

0 402

IMBES gastusin sa kanyang bonggang 75th birthday, isang ina ang nagkansela ng kanyang party upang maipambili ang pera ng relief goods para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Sherwin Mu­lingtapang na hindi niya maiwasan na hindi ibahagi ang pagka-proud niya sa ‘acts of kindness’ ng kanyang Nanay Belen.

Aniya, dapat ay magdiriwang ng 75th birthday ang kanyang ina sa Enero 24.
Kumpleto na ang lahat, mula sa pagdarausan ng party hanggang sa gown designer at make-up artist pero lahat ng ito ay sinantabi ni Nanay Belen para mamigay ng relief goods at mga sako ng bigas sa mga Taal evacuee.

“Pacencia n po pero proud lang po talaga kami sa nanay namin.. Kahapon naiiyak ako tuwing makakakita ako ng mga acts of kindness sa social media kc naaantig ako sa mga pagtutulungan ng mga tao.. nakakatuwa lang na may chance din kami para ishare ang blessings sa ibang taong nangangailangan.. Happy birthday po Inay Belen.. Mahal po namin kayo,” saad sa post ni Sherwin.

Humakot ito ng 41,000 likes; 1,500 comments at 9,800 shares kung saan karamihan ng nag-comment ay nag-wish ng God bless at more birthdays to come para kay Nanay Belen. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More