Una sa Balita

Lola nagdiwang ng ika-122 kaarawan

0 474

NAGDIWANG ng kanyang ika-122 kaarawan sa Kabankalan, Negros Occidental si Francisca Susano noong Setyembre 11 kung saan simpleng selebrasyon ang inihanda ng kanyang mga kaanak.

Kung kikilalanin ng Guinness Book of World Record ang mga dokumentong isinumite ng kanyang kaanak, siya na ang ituturing na pinakamatandang tao na nabubuhay sa mundo.

Sa kasalukuyan, ang record na ito ay hawak ni Kane Tanaka ng Japan na ngayon ay 116 taon gulang.

Umabot sa 14 ang naging anak ni lola ­Francisca, pero 8 na lang ang nabubuhay at ang pinakamatanda ay magdiriwang na rin ng ika-100 kaarawan.

Nasa 364 na ang lahat ng apo ni lola Francisca na nag-uugnay sa apat na henerasyon.

Isa umano sa kanyang sikreto ng mahabang buhay ang pagkain ng gulay. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy