Una sa Balita

Lola nadale ng tren

0 334

PATULOY na inoobserbahan ngayon sa Makati Medical Hospital ang isang 72-anyos na matandang babae matapos masagi ng tren ng Philippine National Railways (PNR), kamakalawa nang hapon sa Sta. Ana, Maynila.

Nakaratay sa pagamutan ang biktimang si Delia Cercado ng Caloocan City dahil sa pinsala sa ulo, kamay at binti.

Nabatid kay PNR Spokesperson Jo Geronimo, dakong ala-1:55 nang hapon nang maganap ang insidente sa riles ng tren sa Zobel Roxas St., malapit sa istasyon ng PNR sa Vito Cruz, habang papahinto ang isang northbound na tren.

Nalaman na hindi umano napansin ng lola ang sunod-sunod na busina ng tren at tumawid pa rin ito, dahilan para masagi at masugatan.

Isinugod naman kaagad ng mga concerned citizen ang matanda sa pagamutan. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More