Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lola nabalik ang pinanggatong na P14K

0 73

Pinagkalooban ni Nueva Ecija Governor Aurelio Matias Umali ng tulong pinansiyal ang nag-viral na lola na aksidenteng naipanggatong ang perang ipon nito sa Brgy. San Juan, Laur kamakailan.

Ipinahanap ni Umali si Honorata Gahis, 95-anyos, na matatandaang aksidenteng naisama sa panggatong ang nakabungkos na P14,000 bill habang nagsasaing.

Ang nasunog na salapi ay kaagad ipinost sa Facebook ng apo nitong si Sarahlie Gahis de Guzman at
nanawagan sa Bangko Sentral ng Pilipinas na mapalitan sana.

Nang makarating sa gobernador ang malungkot na pangyayari ay kaagad niyang ipinag-utos na hanapin at tulungan
ito.

Samantala, labis na nagalak si Lola Ho norata nang makatanggap ng P14,000 tulong sa punong lalawigan
at nangakong iingatan na ito. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.