Una sa Balita

Lola na high-blood kay Erich

By
0 3,416

Painit na talaga nang painit ang mga eksena ng ‘The Blood Sisters’, at patunay riyan ang Facebook user na si Khyla Miranda dahil ­nakunan niya ng video ang pagwawala ng kanyan­g lola habang pinapanood ang nakakakabang eksen­a ng serye.

Kasalukuyan nang umani ng halos 2 million view ang naturang video at lahat ng comment ay tuwang-tuwa sa all-out reaction ni lola.

“Shoutout po sa ABS-CBN kailan po ba matatapos yung The Blood Sisters? Pls lang ayoko ng ma-high blood lola ko sa sobrang intense ng palabas nyo. HAHAHAHA,” sabi ni Khyla sa kanyang post.

“Dali na! Takbo na! Sakay na kayo sa sasakyan,” full force na sigaw ni lola na akala mo kausap niya talaga ang karakter ni Erich Gonzales na si Erika.

Hindi rin napigilan ni Lola ang magbitaw nang malulutong na mura at halos ibalibag na ang kanilang upuan dahil sa sobrang intense ng kanyang panonood.

Pero sorry na lang kay Lola, dahil mukhang magpapatuloy pa ang init ng ulo niya, o high blood niya, dahil mukhang malayo pang matapos ang serye dahil ngayon pa lang muling nagtagpo si Erika at ang kanyang anak na si Jolo.

Marami pa ring panganib ang paparating dahil patuloy pa rin ang kanyang kakambal na si Agatha (Erich), na kasabwat din si Rocco (Jake Cuenca).