Una sa Balita

Lola kalaboso sa droga

By
0 6

Nanlumo at napaiyak nalang ang isang senior citizen na lola matapos na maaresto sa isinagawang drug operation ng mga awtoridad sa Lapu-Lapu City.

Kinilala ng Lapu-Lapu City Police Station ang suspek na si Rosita Bragat, 64 at umano’y nasa top 2 drug list ng ng ­pulisya.

Nag-ugat ang pagkaaresto sa suspek matapos ilatag ng mga operatiba ng City Intelligence Branch ng Lapu-Lapu City Police Office, ang isang drug operation laban sa suspek kung saan nakuha umano sa lola ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P60,000.00.

Pilit pa umanong itinanggi ng suspek ang pagkakasangkot nito sa iligal na droga subalit base sa pulisya ay dati na rin umanong nasampahan ito ng kaso na may kaugnayan sa katulad na kaso subalit nakapagpiyansa ito kung kaya’t nakalaya.

Bukod pa sa mariing pagtanggi ng suspek na sangkot siya sa iligal na droga, ay idiniin naman umano ito ng isa pang suspek na dati nitong kapitbahay na naunang naaresto sa kasong iligal na droga.

Kasalukuyang naka­kulong ang suspek sa Lapu-Lapu City Police Station Detention Cell at nahaharap sa reklamong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.