Una sa Balita

Lola binoga habang nagbibilang ng pera

By
0 432

PATAY ang isang senior citizen na babae matapos siyang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang nagbibilang ng pera sa loob ng kanyang sari-sari store sa Brgy. Calamagui 2, Ilagan City, Isabela noong Lunes.

Kinilala ng Ilagan City Police Station (ICPS) ang biktima na si Zenaida Duco Cristino, 61-anyos, ng nasabing barangay.

Base sa report ng ICPS, bago mangyari ang pamamaril, nagbibilang umano ng pera sa loob ng kanyang sari-sari store nang may lumapit na lalaki ng nagpanggap ng kustomer.

Sa paglapit ng biktima sa suspek upang tanungin kung ano ang kanyang bibilhin, biglang bumunot ng baril ang suspek at binaril isang beses sa ulo na agad ikinamatay ng biktima.

Narekober mula sa crime scene ay isang basyo ng bala ng .45 pistol.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang ICPS upang alamin kung ano ang motibo ng pagbaril kay Cristino.