Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lola, 1 pa kinalawit sa P220K shabu

0 78

Balik-selda ang isang lola na dati nang nakulong sa droga at kanyang kasamang sinasabing drug pusher makaraang makumpis­kahan sila ng shabu na nagkakahalaga ng P220,000 sa isinaga­wang buy-bust operation sa Marilao, Bulacan nitong Miyerkoles.

Sa report ng Bulacan PNP, nakilala ang naa­restong sina Emmanuel Encio alyas Rocky, 46, ng Malinta, Valenzuela City at kanyang kasamang lola na si Angelita Ramos alyas Lita, 60, nakatira sa Barangay Abangan Norte, Marilao.

Nabatid na alas-11:30 kamakalawa ng gabi nagkasa ng buy-bust ang Marilao Police SDEU sa Barangay Poblacion 1, Marilao at kanilang target ang mga suspek.

Hindi na nakapalag ang dalawa nang iabot ng lola ang drogang ga­ling umano kay Encio sa undercover na pulis. Nakuha sa kanila ang tatlong pakete ng shabu na tinatayang may kabuuang timbang na 32.7 gramo at nagkakahalagang P222,360, bukod pa sa buy-bust money.

Nakumpirmang dati nang nakulong si Ramos ngunit hindi pa rin tumigil sa ilegal na gawain kasabwat si Encio. Kapwa sila nakakulong ngayon at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.