Una sa Balita

Loisa super hagulgol sa sorpresa ni Ronnie

By
0 544

abante-paistaran-dondon-serminoAng tindi talaga ng pagmamahal ni Ronnie Alonte kay Loisa Andalio, ha! Imagine, kahit may sarili siyang show sa SM Pampanga, nilipad niya agad pabalik ang Manila, mapuntahan lang ang dyowa niya sa SM Skydome.

Viral nga ang video na hagulgol si Loisa sa album launching niya nu’ng biglang sumulpot sa tabi niya sa entablado si Ronnie, ha!  Ang alam nga niya ay hindi ito makakapunta, dahil may show nga ito sa Pampanga.

Ilang minute ngang iyak nang iyak si Loisa, habang yakap-yakap lang siya ni Ronnie.

Abante Hiring – IT dep

“Thank you sa love at effort mo beh, di ko talaga inaasahan na pupunta ka.. ginawa mong kabilang kanto lang yung Pampanga. I love you!” sabi ni Loisa.

Anyway, super happy nga si Loisa sa success ng album launch niya. Dumagsa ang mga fan niya para bumili ng album.

“Maraming salamat sa inyo, sa pagmamahal niyo sa amin! The best kayong lahat! Mga team bahay, mga admin grabe! Saludo ako sa effort niyo sakin alam ko yung pagod niyo! Mahal ko kayo! Sa lahat ng bumuo ng album launch salamat sa tiwala niyo sa akin! Mahal ko po kayo!” sabi ni Loisa.