Una sa Balita

Loisa, Ronnie nilanggam sa sobrang harutan

0 404

Tapos na ang ­Valentine’s, pero nilalanggam pa rin sa paghaharutan ang on-and-off cam lo­vers na sina Loisa ­Andalio at Ronnie Alonte.

Sa Instagram ni ­Loisa, ipinost niya ang litrato kung saan naka­yakap siya kay ­Ronnie habang karga-karga siya at tila ninanamnam pa ng aktor ang amoy niya.

Bihira lang mag-post ng ganyan ka-sweet ang dalawa pero mukhang lumi-level up na nga ang kanilang relasyon at mas tumatatag din.

Ganoon nga siguro ang kapit talaga ni Ronnie kay Loisa dahil ayon nga sa panayam dito sa “TWBA” noon ay hindi niya siguro kakayanin kapag nawala si Loisa sa kanyang tabi.

Marami ang ­kinilig at nainggit sa pagla­lambingan ng magdyowa, at mas nainggit pa dahil by the beach pa kaya doble ang feels ng kilig sa bonding ng ­dalawa.

Kung noon nga ay sinisita ni Ronnie si Loisa sa pananamit o pagpo-post ng sexy, aba nga­yon, super out na nga ang dalawa sa pagpapa-sexy. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More